Pinanatili ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. si Philippe Lhuillier bilang Philippine Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary (AEP) sa Espanya.

"Batid natin ang galing ni G. Philippe Lhuillier kung kaya't siya ay muli nating itinalaga sa posisyong Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary para sa bansang Spain," sabi ni Marcos sa kaniyang official Facebook page.

"Tiyak kong kaniyang gagampanan nang buong puso at igugugol ang kaniyang husay para sa bansa," dagdag niya.

Nanumpa na si Lhuillier kay Marcos nitong Miyerkules, July 20, sa Malacañang.

Taong 2017, nang italaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Lhuillier sa naturang posisyon.

Pero bago nito, nagsilbi rin si Lhuillier bilang embahador sa Italya, na sumasakop din sa Republic of San Marino at Republic of Albania, at kinalaunan ay embahador sa Portuguese.--FRJ, GMA News