Isang bangkay ng Pinay ang nakita sa Hong Kong na kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes.
Sa ulat ni Jhoner Apresto sa Super Radyo dzBB, sinabing nakita ang bangkay malapit sa pier.
Gayunman, hindi pa inihahayag kung saan partikular na lugar sa Hong Kong nakita ang bangkay.
FLASH REPORT: Pinay, natagpuang patay sa Hong Kong. | via @jhomer_apresto pic.twitter.com/0rXvA5AgUZ
— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 13, 2023
Isang concerned citizen umano ang nakakita sa bangkay na lumulutang malapit sa pier.
Mayroon umanong ID card na nakita sa biktima pero hindi pa inihahayag ang pagkakakilanlan nito.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente para alamin kung aksidente o sinadya ang pagkamatay ng biktima.--FRJ, GMA Integrated News

