Nahuli-cam sa Facebook live ang pananakit umano ng dayuhang amo sa isang overseas Filipino worker sa Hong Kong.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing ipinapakita ng OFW na si April Jane Dadula sa FB Live ang kaniyang mga gamit nang biglang mangyari ang pag-atake sa kaniya ng kaniyang amo.

Dala ng OFW ang kaniyang mga gamit magtapos siyang mag-resign bilang kasambahay sa pinapasukang bahay.

Ayon kay Dadula, umalis siya ng bahay dahil sa takot na akusahan pa siya ng pagnanakaw.

Hinabol pa umano si Dadula ng kaniyang dayuhang amo kaya humingi na siya ng saklolo.

Ipinaresto ni Dadula ang kaniyang amo pero nakalaya rin matapos magpiyansa.

Nasa pangangalaga ng isang shelter si Dadula habang inaasikaso ang pag-uwi niya sa Pilipinas.--FRJ, GMA Integrated News