Isang 14-anyos na Pinoy ang itinanghal na kampeon sa spelling bee competition sa United Arab Emirates. Ang nakalaban niya, 580 na estudyante sa naturang bansa.
Sa ulat ng GMA show na Unang Hirit, sinabing unang sabak ng Grade 8 student na si Elijah Zachary Dizon Mirandilla, sa naturang kompetisyon.
Kinailangan niyang matutunan ang 4,000 words para umangat sa kaniyang mga nakalaban.
Payo niya sa mga nais ding lumaban sa spelling bee, magbasa ng mga libre lalo na ang mga fictional books.
"Because those have a lot of the type of big words," saad niya.
Napanalunan ni Elijah ang premyong 25,000 dirhams o mahigit P300,000. Naimbitahan din siyang mag-observe sa scripts national spelling bee sa Amerika na gaganapin sa Mayo.
Labis ang pasasalamat ni Elijah sa kaniyang mga magulang na laging nakasupora sa kaniya.
Saad ng kaniyang ina na si Rozelynne, "We will always here to support you for whatever you need. And we love you forever." — FRJ, GMA Integrated News
