Mahigit 1.2 milyon ang mga Pinoy sa abroad na nakarehistro bilang botante sa 2025 midterm elections. Ang pinakamarami, nasa United Arab Emirates. Ang partial unofficial results ng botohan, makikita sa Eleksyon 2025 website sa GMA News Online.Batay sa datos ng Commission on Elections na nakalap ng GMA Integrated News Research, sinabing umaabot sa 1,241,690 ang registered overseas voters ngayon Eleksyon 2025.Pinakamarami ang nasa United Arab Emirates na mayroong 189,892 botante, na sinundan ng United States na may 178,033 botante.Samantala, nakapagtala naman ng tig-isang botante sa mga lugar ng Belarus, Gambia, Grenada, Guinea-Bissau, North Macedonia, Saint Kitts at Nevis, Saint Martin, at Saint Vincent, at sa Grenadines.Sa kabila nito, hihintayin pa kung ilan talaga ang aktuwal na boboto o voter's turnout.Noong 2022, ang Syria (Damascus) ang mayroong may pinakamataas na voter turnout na 76.36%, na sinundan ng Morocco (Rabat) na 75.28% at Sweden (Stockholm) na 69.57%.Nakapagtala naman ang Santiago ng 68.88% votes'turnout at 66.92% sa Switzerland.Para malaman ang partial unofficial results ng botohan, makikita, bisitahin ang Eleksyon 2025 website sa GMA News Online. —FRJ, GMA Integrated NewsFor more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.