Nakilahok ang ilang miyembro ng Pinoy LGBTQIA+ community sakay ng isang traditional jeepney sa Pride Parade sa Los Angeles, California sa Amerika.

Sa kuha ng YouScooper na si Kuya Noly Galvez, na mapanonood din sa Balitanghali nitong Miyerkoles, makikita ang pag-arangkada ng traditional jeepney sakay ang ilang miyembro ng Pinoy LGBTQIA+ community.

Sumali rin sa parada ang isang double-decker bus, sakay ang mga nakilahok sa naturang kasiyahan. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News