Napatay ng isang babae ang kaniyang kuya matapos humantong sa mainit na pagtatalo ang kanilang pag-uusap tungkol sa kanilang lupa sa Naga City, Camarines Sur.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes ng gabi, sinabi ng suspek na si Jocelyn Batasan, na hindi niya sinasadya na masaksak at mapatay ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Manuel Dado.

Ayon kay Batasan, napag-usapan nila ng kaniyang kuya Manuel ang tungkol sa maliit nilang lupain na humantong sa mainit na pagtatalo.

Sinampal at sinabunutan umano siya ng biktima kaya nasaksak niya ito nang may nahawakan siyang kutsilyo.

Kaagad namang sumuko si Batasan at humingi ng tawad sa kaniyang nagawang krimen. -- FRJ, GMA News