Tatlo ang sugatan matapos na araruhin ng sasakyang minamaneho ng isang Koreanang umano'y lasing ang tatlong kotse at tatlong motorsiklo sa Angeles City, Pampanga.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, kinilala ang dayuhang suspek na si Ye Young Kim.

Ayon sa salaysay ng mga pulis,  inararo muna ni Kim ang barrier saka binangga ang anim na sasakyan.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga sakay ng isang motorsiklo na nasugatan. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News