Dalawa ang nasawi, habang apat ang arestado sa anti-drug operations na isinagawa ng pulisya sa Bulacan at Oriental Mindoro.

Sa ulat ng GMA News TV "News to Go" nitong Miyerkules, napatay ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Bocaue, Bulacan ang umano'y drug pusher na si alias "Potchi."

Nakuha sa bahay niya ang isang baril na kalibre .38, basyo ng bala, pera, at tatlong sachet na may laman na hinihinalang shabu.

Sa Puerto Galera sa Oriental Mindora naman napatay ang drug suspect na kilala lamang sa alyas na "JR," matapos umanong manlaban sa mga awtoridad.

Arestado rin ang mga nangungupahan sa isang bahay na ginawa umanong drug den ng isang tinatawag na "Malou," isang Swiss national, at dalawa pa nilang kasamahan.

Mahigit 20 sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, at buy-bust money ang nakuha umano sa kanila.-- Jessica Bartolome/FRJ, GMA News