Nasunog ang siyam na ancestral homes sa bayan ng Boac sa lalawigan ng Marinduque noong Lunes at patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng apoy.
Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing umabot ng anim na oras bago maapula ang apoy dahil na rin naubusan umano ng tubbig mga firetruck.
Makikita sa kuha ng drone video ang laki ng sunog na sumira sa siyam na ancestral homes, at nadamay din ang ilang establisyimento sa lugar, kasama na ang isang botika at tindahan.
Sa pagtataya ng Bureau of Fire Protection, aabot a P25 million ang halaga ng pinsala ng apoy. —LBG, GMA News
