Apat na magsasaka sa Iriga City, Camarines Sur ang namatay dahil umano sa ininom na libreng alak, ayon sa ulat sa "Unang Balita."

Kuwento ng ka-barangay ng mga biktima, isang nagpakilalang Glenn Castillo ang dumayo sa lugar na naghahanap ng dealer ng kanyang produktong alak at re-mineralizing drops.

Nagbigay ng libreng sample si Castillo at dalawang beses nagpa-inom.

Pagkatapos ng ilang araw, sumakit ang dibdib at tiyan ng mga biktima hanggang bawian sila ng buhay.

Ngayon, ang ibang pinatagay din ay inoobserbahan at pinaghahanap na ng mga awtoridad si Engineer Castillo habang patuloy na iniimbestigahan ang nangyari. — BAP, GMA News