Arestado ang pitong tao bumabatak umano ng droga sa ilalim ng isang hukay sa bukid na ginawa nilang drug den sa Dasmariñas, Cavite.

Sa ulat ni James Agustin sa GMA News "Balitanghali" nitong Huwebes, makikitang pinilit ng mga suspek na pagkasyahin ang mga sarili nila sa hukay.

Isa-isa silang pinalabas ng mga awtoridad, kabilang ang pangunahing target ng operasyon na si Roel Guevarra.

Tumangging magpahayag ang mga nadakip na suspek. —Jamil Santos/LBG, GMA News