Hindi mga damit kundi bangkay ng isang babae ang nakitang laman ng maletang itinapon sa gilid ng tulay sa Balete, Batangas nitong Huwebes.
Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Biyernes, sinabing hindi pa nakikilala ang biktima na nakita ang bangkay sa Barangay Magapi.
Tinatayang nasa 20 hanggang 30- anyos ang biktima, may taas na 5'4'', may braces sa ngipin, at tattoo sa kanang paa.
Batay umano sa resulta ng awtopsiya sa biktima, asphyxia by suffocation ang sanhi ng pagkamatay ng babae.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at kung sino ang nasa likod ng pagpaslang.-- FRJ, GMA News
