Nadama ang Valentine's Day maging ng mga nakabilanggo, matapos ikasal ang apat na inmates ng Metro Bacolod District Jail-Male Dormitory sa kani-kanilang mga partner.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing pagkatapos ng seremonya, may salu-salo pa ang mga bagong kasal kasama ang kanilang pamilya.

Ito ang unang beses na may ginanap na kasalan sa Metro Bacolod District Jail-Male Dormitory, ayon sa pamunuan nito.

Ginanap ang pagdiriwang para madama rin ng inmates ang pagmamahal ng isang pamilya.

Nagpaplano ngayon ang pasilidad na gawin nang taon-taon ang kasalan sa loob ng kanilang piitan. — Jamil Santos/RSJ, GMA News