Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong tao sa Sagay City, Negros Occidental dahil sa pagtatago at pagbebenta ng giant clam (taklobo) shells na nagkakahalaga ng P6 milyon.

Sa bisa ng search warrant, ni-raid ng mga awtoridad ang bahay nga mga suspek.

Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng impormasyong may nagtatago ng mga taklobo sa lugar.

Nakuha sa kanilang bahay ang 177 shells ng giant clams, na tumitimbang ng hindi bababa sa isa't kalahating tonelada.

Ayon sa Protected Area Management Board ng Sagay City marine reserves, ilan sa mga taklobo ay aabot na 50 taon na ang tanda.

Ibenebenta umano ang mga shell sa halagang P1,000 kada kilo.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Philippine Fisheries Code.

Tumanggi naman  silang magbigay ng pahayag sa media. —LBG, GMA News