Isang babae ang naputulan ng binti nang maaksidente sa sinasakyan niyang motorsiklo habang papunta sa voting precinct sa Davao City para bumoto nitong Lunes.
Kinilala ang biktima na si Jean Pagas, na naipit umano ang paa nang sumabit sa kadena ng gulong ng motorsiklo ang kaniyang palda.
Ayon sa ulat ni GMA News' Joseph Morong, sinabi ng mister ng biktima na nakasakay sila sa motorsiklo at papunta sa Sixto Babao Elementary School dakong 8 a.m. nang mangyari ang insidente.
DAVAO CITY | Jean Pagas lost her leg on the way to the voting precint after skirt caught in motorcycle chain #Eleksyon2019 (photos c/o Darwin Sevilla) | @Joseph_Morong pic.twitter.com/LN2MfhoiE4
— GMA News (@gmanews) May 13, 2019
Samantala sa Marawi City, nagkaroon ng tensiyon sa isang voting precinct nang magsuntukan ang dalawang lalaki.
Ayon kay GMA News' Sandra Aguinaldo, tagasuporta ng magkalabang kandidato sa pagka-bise alkalde ang dalawang lalaki.
Nagkaroon din ng tensyon sa voting center sa Barangay Rosary Heights-10 sa Cotabato City nang magkagulo ang mga poll watcher ng ilang kandidato.
WATCH: Fistfight erupts among poll watchers of rival candidates in Cotabato City, 3 are hurt. @gmanews @teomsteomskie pic.twitter.com/h0WyMo1M3K
— Cedric Castillo (@cedric_castillo) May 13, 2019
Apat ang inaresto ng mga awtoridad at tatlo naman ang nasugatan at dinala sa ospital dahil sa naturang kaguluhan.-- FRJ, GMA News
