Nang dahil umano sa selos, kritikal ngayon ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isang guwardiya sa Marilao, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Lunes.

Nagpapagaling na sa ospital ang biktima habang hawak na ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Lorenzo Antonio.

Naghinala umano si Antonio na may relasyon ang biktima at ang kanyang live-in partner.

Inabangan niya ang biktima saka binaril sa tiyan.

Aminado naman ang suspek na hindi niya nahuling magkasama ang biktima at kanyang nobya at nagdilim lamang ang kanyang paningin. —KG, GMA News