Kalunos-lunos ang sinapit ng isang batang lalaki na ulo at binti na lang ang nakita matapos siyang atakihin ng buwaya sa Balabac, Palawan.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Martes, sinabi ng mga awtoridad, bandang 6:00 am nitong Linggo nang nawala ang 10-taong-gulang na biktima na inutusan lang na bumili ng kape at asukal.

Paayat na umano ang biktima sa kanilang bahay na nakatayo sa ibabaw ng dagat nang sakmalin siya ng buwaya.

READ: Ama, itinaya ang sariling buhay para mailigtas ang anak sa atake ng buwaya

Nitong Lunes ng gabi, natagpuan ang ulo at kanang hita ng bata.

Patuloy ang retrieval operation ng pulisya at Coast guard sa lugar.

Sinasabing madalas umanong mangyari sa lugar ang tinatawag na "human-crocodile conflict."

READ: Batang sinakmal ng buwaya, kinagat din daw ang buwaya sa ilong para lumaban

Nitong nakaraang Pebrero, isang 12-anyos na lalaki rin ang sinakmal ng buwaya sa Balabac pero nakaligtas matapos umano niyang kagatin ang ilong nito kaya siya nakawala sa pagkakakagat. --FRJ, GMA News