Isang rapper na vlogger din sa Angeles, Pampanga ang arestado dahil umano sa pagbebenta ng party drugs sa kanyang followers, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Lunes.

Kinilala ang suspek na si Arnly Dimabuyu na may alyas na Xander Bay.

Itinanggi ni Arnly na nagbebenta siya ng droga tuwing may party o festival. Hindi rin umano siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nakumpiska mula kay Arnly ang isang sachet ng marijuana at siyam na piraso ng hinihinalang ecstacy na nagkakahalaga ng halos P16,000. —KBK, GMA News