Halos mabiyak ang bumbunan ng isang batang babae matapos siyang hatawin ng kahoy ng kanyang lolo sa Pinili, Ilocos Norte, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Biyernes.

Kinilala ang suspek na si Dennis Saludez, na nagalit daw sa apo matapos umalis ito nang hindi nagpapaalam.

Aminado naman si Saludez na nakainom siya nang mangyari ang insidente. Dahil dito, inaresto siya at nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Naisugod naman sa ospital ang 9-anyos na biktima kung saan tinahi ang kanyang ulo. —KBK, GMA News