Animnapung bahay sa sa Pagadian City ang natupok sa sunog na umabot sa Ika-apat na Alarma, ayon sa ulat ng Balitanghali Weekend nitong Sabado.
Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.
Yinatayang nasa P800,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.
Tuluyang naapula ang sunog matapos ang mahigit dalawang oras.
Nagkasunog din sa Davao City, kung saan 12 bahay ang natupok.
Hinala ng ilang residente, may sumabog na kalan dahil may narinig daw silang pagsabog bago sumiklab ang apoy.
Naapula naman ang sunog na hindi pa tiyak ang sanhi.
Wala namang nasaktan sa magkahiwalay na insidente. — DVM, GMA News
