Patay sa pamamaril ang isang miyembro ng fraternity sa peryahan sa harap ng Talisay City Hall sa Cebu, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Pauwi na sana ang biktimang si Michael Responso nang barilin ng suspek na nakilala lang sa pangalan na Lloyd.

Dinala pa sa ospital si Responso pero idineklarang dead on arrival.

Tinutugis na ng mga pulis ang suspek.

Isa sa mga tinitingnang anggulo ay frat war.

Dahil sa insidente, bawal muna ang alak sa mga panggabing aktibidad sa lungsod lalo na't magpi-piyesta na sa kanila. —KBK, GMA News