Pinaniniwalaang peste ang sahi ng sunod-sunod na pagkamatay ng mga alagang manok at pato sa bayan ng Bayambang sa lalawigan ng Pangasinan.

Iniulat ng Unang Balita nitong Miyerkules na ang mga namatay na hayop ay kinakitaan ng sintomas ng paglalaway, pagdumi ng kulay berde, at kawalan ng ganang kumain.

Ayon sa municipal veterinarian, posible ring sanhi ang pabagong-bagong panahon ang sakit.

Magsasagawa ng pagsusuri ang mga awtoridad para matukoy kung anong uri ng virus ang tumama sa mga hayop. —LBG, GMA News