Huli sa akto ang isang lalaking umaakyat sa bubong ng isang bahay sa Bacolod City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Tatalon pa sana mula sa bintana ang suspek na si Elbert Cañete pero nahuli siya ng mga pulis.

At kahit naaresto na, nagpupumiglas pa si Cañete.

Ayon sa mga residente, nakita nila ang suspek na nasa bubungan kaya nabahala sila at tumawag ng awtoridad.

Giit ni Cañete, wala siyang balak magnakaw o manggulo. Trip lang daw talaga niya ang maglakad sa mga bubong.

Sa kabila niyan, mahaharap siya sa reklamong alarm and scandal. —KBK, GMA News