Isang lalaki ang pinatay ng sariling anak at inilagay sa septic tank sa Roxas City, Capiz, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ilang araw nang patay ang biktima.
Nakonsensya lang daw ang anak kaya ipinagbigay-alam ito sa kaniyang ina.
Kuwento ng suspek, nagawa niya ang krimen dahil sa sobrang galit sa pananakit sa kaniya ng ama.
Inaresto ang anak na humingi ng tawad sa kanyang nagawa. —KBK, GMA News
