Nang dahil umano sa kalasingan, iniwan ng isang nanay ang isang taong gulang niyang anak sa sementeryo sa Iloilo.

Sa ulat ng Unang Balita, sinabing narinig umano ng isang grupo ng kabataan ang iyak ng bata madaling-araw noong Martes.

Nang makita, agad nila itong dinala sa istasyon ng pulis.

Matapos ang dalawang oras, kinukuha siya ng isang babaeng lasing na nagpakilalang nanay ng bata.

Pero nagdalawang-isip ang mga pulis at hindi ibinigay ang bata.

Inamin naman ng nagpakilalang tatay ng bata na kasama niyang uminom ang nanay.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang bata. —LBG, GMA News