Isang bangkay ng lalaking nakasilid sa sako ang natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Cotabato City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Nakagapos pa ang mga kamay at paa ng hindi pa nakikilalang biktima. Nakasuot siya ng blue na shorts.

Hindi pa rin matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Dinala sa punerarya ang kanyang labi. —KBK, GMA News