Tinadtad ng taga ang isang guro sa Santa Maria, Pangasinan, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Huwebes.
Kabilang daw sa mga suspek sa pagpatay ang isang menor de edad na Grade 10 student.
Ayon sa pulisya, pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang motorsiklo at iba pang gamit ng guro na si Arnaldo Tabucol.
Nahuli sa follow-up operation ang suspek at dinala na sa Department of Social Welfare and Development.
Nakatakas naman ang isa pang salarin.
Tumangging magbigay ng pahayag ang kaanak ng suspek. —KBK, GMA News
