Ginilitan ang isang babae sa Alcala, Pangasinan, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Martes.

Hindi bababa sa 15 saksak ang tinamo ng biktimang si Trisha Mae Tandoc.

Suspek sa pagpatay ang kinakasama ng biktima na si Rodel Mabalot.

Base sa imbestigasyon, selos ang ugat ng krimen.

Pagkatapos gilitan si Tandoc, ginlitan din ni Mabalot ang kanyang sarili. Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa ospital. —KBK, GMA News