Inaresto ng mga awtoridad ang isang tulak umano ng ilegal na droga sa Bulacan nitong Martes ng madaling araw.

Nahulihan umano ng walong sachet ng hinihinalang shabu si Patrick Macabalitao, ayon sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Martes.

Nagkakahalaga raw ng P40,000 ang hinihinalang drogang nakuha sa suspek.

Narekober din umano mula sa suspek ang isang baril.

Isinagawa ang buy-bust operation sa Barangay Poblacion sa bayan ng Bustos bandang alas-tres ng madaling araw.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang kaso laban sa suspek. —KG, GMA News