Nauwi sa malagim na trahediya ang paglalaro ng magkapatid na edad walo at lima nang masabugan sila ng isang rifle grenade sa loob ng kanilang bahay sa Dipolog, Zamboanga del Norte.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Huwebes, sinabi ng mga awtoridad na nasa loob ng kuwarto ang magkapatid na Abdul Malik adjuran Pasculado at Umar Khattab, nang sumabog ang granada, na hinihinalang napaglaruan nila.

Sa lakas ng pagsabog, nasira ang kisame ng bahay at nabasag ang salamin ng bintana.

Nasa kostudiya naman ang mga awtoridad ang ama ng mga biktima at
imbestigahan kung siya ang may-ari ng granada.--FRJ, GMA News