Photo courtesy of Kabalikat Civicom Aparri
Photo courtesy of Kabalikat Civicom Aparri

 

‘Dead on arrival’ sa isang pagamutan sa Camalaniugan, Cagayan ang limang junior high school students matapos silang malunod sa Cagayan River na sakop ng Barangay Catotoran pasado ala-1 ng hapon ng Sabado.

Ayon sa report ng mga rescuer sa Camalaniugan, naglalakad umano sa gilid ng ilog ang anim na magkakaklase nang bigla na lang lumubog ang kanilang inaapakan. 

Natangay papalayo mula sa gilid ng ilog ang mga bata hanggang sa isa-isa na silang nawala.

Nagtulong-tulong ang mga rescuer upang masagip ang mga bata.

Makalipas ang ilang oras ay isa-isang nakuha ang mga estudyante at isinugod sa pagamutan.

Dead on arrival sa pagamutan sina:

  • Loriebeth Ruatos, 14
  • Jenny Dela Cruz, 14
  • Aireen Tubol, 16
  • Mae Tubol, 13
  • Bernadeth Paet, 14

 

Nakaligtas naman si Christine Mae Aquino matapos itong ma-revive.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Camalaniugan Municipal Police Station. — MDM/KG, GMA News