Nasaksihan ng ilang residente ng Benguet ang “hailstorm” o pag-ulan ng yelo noong Huwebes.

Ayon sa isang ulat sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, mukhang binalot ng snow ang lupa sa Barangay Bokod dahil sa bumagsak na hail.

Halos isang oras daw tumagal ang pag-ulan ng yelo, kuwento ni Arnel Guiniawan na kumuha ng mga litrato ng lupang naging kulay puti na.

Ang hailstorm ay dulot ng matinding thunderstorm sa isang lugar.

Bukod sa pag-ulan ng yelo ay maaari ring may kasamang malakas na hangin at kidlat ang mga hailstorm. —Julia Mari Ornedo/LBG, GMA News