Arestado ang isang lalaki sa Malolos, Bulacan dahil sa pamemeke umano ng IATF ID at quarantine pass, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Nakumpiska sa suspek na si Roberto Sacdalan Jr ang mga pekeng ID, quarantine pass at mga gamit sa paggawa nito.

Nakumpiska rin ang marked money na ginamit ng isang pulis na nagpanggap na magpapagawa.

Giit ng suspek, legal ang kaniyang negosyo at nagpapa-print lamang sa kanya ang kaniyang mga customer. Handa raw niyang harapin ang asunto.

Bukod sa suspek, arestado rin ang isang customer na si Virgilio Escano, na nagpagawa raw ng quarantine pass. --KBK, GMA News