Tatlong nakabalik sa Coron, Palawan ang nagpositibo sa COVID-19, kabilang ang isang 8-buwang gulang na sanggol, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Dumating ang tatlo sa Coron noong Linggo kasama ang 37 iba pa na na-stranded sa Metro Manila.

Nagpositibo ang ina ng sanggol sa rapid test pero negatibo sa swab test. Positibo naman ang 19-taong gulang na kaanak ng sanggol na kasama niyang dumating.

Ang ikatlong positibo ay isang babae na dumating noong Sabado.

Ang tatlo ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Coron. Lahat sila ay asymptomatic at naka-quarantine na.

Sinisimulan na ng lokal na pamahalaan ng Coron ang contact tracing. --KBK, GMA News