Arestado sa buy-bust operation ang isang 14-anyos na binatilyo sa Calapan, Oriental Mindoro, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Biyernes.

Sa bahay daw mismo ng suspek naganap ang bentahan ng shabu.

Aabot sa P10,000 ang halaga ng droga na nakuha sa suspek, na isang high school student.

Sa ilalim ng batas, ang mga nahuhuling menor de edad ay dinadala sa Department of Social Welfare and Development. —KBK, GMA News