Arestado ang dalawang dayuhan na sangkot umano sa pagdukot sa isang Malaysian sa Pampanga, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Humingi raw ng tulong ang Malaysian Embassy sa Philippine National Police - Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) para maaresto ang dalawang suspek -- isang Indonesian at isang Malaysian. Kapwa wala silang pahayag sa paratang sa kanila.

Naaresto ang dalawa matapos maibigay ang ransom.

Nakatakas naman ang Pilipinong driver ng mga suspek.

Matagumpay naman na nasagip ang Malaysian na biktima. —KBK, GMA News