Patay ang isang magkapatid sa Laurel, Batangas matapos tamaan ng kidlat, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Nagpunta raw sa gubat si Kathleen Magsino, 15, at kapatid nitong si Kaechi, 13, para manguha ng prutas at panggatong kasama ang kanilang ina nitong tanghali ng Linggo.

Nang bumuhos ang ulan, sumilong ang mag-iina. Nang tumila ang ulan at paalis na sila, biglang kumidlat at tinamaan ang magkapatid.

Dead on arrival sa ospital ang magkapatid, na inilibig na nitong Huwebes. —KBK, GMA News