Patay sa pamamaril ang isang barangay kagawad sa General Santos City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Ayon sa pulisya, pinagbabaril ng magka-angkas sa motorsiklo ang biktimang si Abdul Majid Mamalumpung sa harap ng tindahan ng LPG.

Limang basyo ng bala ang natagpuan sa crime scene.

Ilang buwan lang ang nakalilipas ng patayin din ang kapatid ng biktima na siyang kagawad noon.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa pulitika o away-pamilya ang pamamaril. --KBK, GMA News