Patay ang isang babae matapos siyang sakalin ng kaniyang anak-anakan sa Cadiz,  Negros Occidental, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Naaktuhan pa ng mga kapitbahay ang suspek na si Angelito Sibuyan na hinuhukay ang paglilibingan ng biktima.

Inamin ni Angelito ang krimen. Aniya, hindi na raw siya nakapagpigil dahil lagi siyang minumura ng biktima.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder. —KBK, GMA News