Nagpositibo umano sa COVID-19 ang alkade ng Ilagan City, Isabela, pati ang kanyang  asawa, at anak nito.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes na COVID-positive si Mayor Josemarie Diaz, ang asawa niyang si Evelyn, at anak niyang councilor na si Jay Everson.

Naka-quarantine na umano ang tatlo sa kanilang tahanan.

Samantala, ipinag-utos umano ni mayor na isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang lungsod hanggang sa August 12, 2020. —LBG, GMA News