Patay sa pamamaril ang isang drug asset ng pulis sa General Santos City, ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Emmanuel Dalos, 32-anyos.

Nangyari ang pananambang ng mga umano'y nakamotorsiklong mga salarin pagdaan ng motorsiklo ni Dalos sa may tapat ng simbahan sa Barangay Bula, General Santos City.

Binantaan pa umano ng mga salarin ang mga nakasaksi sa krimen bago tumakas ang mga ito.

Hinala ng mga pulis, may kinalaman sa tarabaho ni Dalos ang motibo sa pamamaril. —LBG, GMA News