Kaniya-kaniyang diskarte ang mga rider sa Bohol para lagyan ng safety barrier ang kanilang mga motor, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Ang isang mag-asawa, ginawang safety barrier ang kanilang marriage contract, na pinalaki nila at pina-laminate. Wala naman daw silang naging problema dahil dito.

Requirement ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF ang pagkakaroon ng barrier at marriage contract para payagan ang magka-angkas sa motor.

Matatandaang tanging mag-asawa o mag-live-in lang ang pinayagan ng gobyerno na magka-angkas sa motor para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. —KBK, GMA News