Ginawang drive-thu ang vehicle registration renewal ng Region 7, o Central Visayas dahil sa pagtama ng COVID-19 pandemic.

Iniluat sa "Unang Balita" nitong Biyernes na as of August 11, mahigit dalawang libong sasakyan na ang na-renew ang  registration sa pamamagitan ng drive-thru renewal system.

Sa tala ng Land Trasportation Office 7: umabot na sa 2,412 ang mga sasakayan at mga motorsiklong nakapagpa-renew doon. Ang MC ay 1,299 at ang MV ay 1,113, ayon sa ulat.

Sinimulan umano ang sistema nag renewal noong Hulyo bilang bahagi ng "new normal." —LBG, GMA News