Sumuko sa mga awtoridad ang isang lalaki na inaakusahang nanghalay sa isang tatlong-taong-gulang na babae sa San Pablo, Laguna.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabi ng lola ng biktima na dumaing ang kaniyang apo na masakit ang maselang bahagi ng katawan habang pinapaliguan niya ito.

Kaagad nilang dinala sa ospital ang bata at doon na nakumpirma na napagsamantalahan ang biktima.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang itinuturong suspek sa panghahalay sa bata pero itinanggi niya ang paratang.

Idinagdag niya na sumuko lang siya dahil nangangamba siya na baka may mangyaring masama sa kaniya.

Nakakulong na ang suspek at mahaharap sa kaukulang demanda.--FRJ, GMA News