11-anyos na lalaki, nawasak ang kamay matapos masabugan ng pinulot na paputok
ENERO 2, 2026, 10:42 PM GMT+0800
SINULAT NI GMA INTEGRATED NEWS
Naputulan ng apat na daliri ang isang 11-anyos na lalaki matapos sumabog sa kaniyang kamay ang napulot na paputok sa Lingayen, Pangasinan. Batay sa tala ng Department of Health–Ilocos Region, sa 170 firecracker-related injuries sa buong rehiyon mula December 21 hanggang January 1, karamihan sa mga biktima ay mga bata na edad 10 hanggang 14.