Bumagsak sa 12.4 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City kaninang umaga sa huling araw ng 2020.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Huwebes, sinabing ito ang pinakamababang naitala sa Baguio mula nang magsimula ang panahon ng Amihan nitong Nobyembre.

Sa Basco, Batanes, bumagsak ang 15 degrees Celsius ang lamig, 17 degrees Celsius sa Malaybalay, Bukidnon at 25.4 degrees Celsius  sa Quezon City

Ayon sa PAGASA, apektado ng Amihan ang northen at central Luzon, habang umiiral ang tail-end of a frontal system sa silangang bahagi ng Central Luzon.

Sa rainfall forecast ng Metro Weather, sinabing asahan ang pag-ulan sa umaga sa Bicol region, Miraropa at ilang bahagi ng Northern Luzon, Quezon Province, Panay Island, Eastern Visayas at Mindanao.

Asahan naman ang pag-ulan sa iba pang bahagi ng bansa sa hapon at gabi.

Mababa naman ang posibilidad ng ulan sa Metro Manila.--FRJ, GMA News