Isang putol-putol na katawan ng lalaki ang natagpuan sa isang bangin sa Los Baños, Laguna, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Nakalagay ang chop-chop na katawan sa apat na trash bag na natagpuan ng dalawang residenteng kukuha lang sana ng halaman sa lugar.

Nang buksan ng mga pulis ang trash bags, tumambad sa kanila ang hiwa-hiwalay na binti, kamay, katawan at ulo ng biktima.

Maputi at singkit ang biktima, na tinatayang may edad 30 hanggang 40 taon. Meron siyang tattoo na Chinese character sa likod.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima.  —KBK, GMA News