Tatlong bahay at isang bilyaran sa Valencia, Negros Oriental, ang nawasak nang mabagsakan ng malalaking bato, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Isang residenteng nasa bilyaran at agad na nakapagtago sa ilalim ng billiard table ang muntik nang madamay sa landslide.

Pinalikas na ng otoridad ang mga apektadong residente at inabisuhang huwag nang bumalik sa kanilang bahay dahil delikado. —KBK, GMA News