Nang dahil daw sa utang, pinagsasaksak ng isang lalaki ang kaniyang pamangkin sa Paoay, Ilocos Norte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Batay sa imbestigasyon, sinisingil ni Danilo Menor ang pamangking si Emerson pero napikon daw ito matapos magsalita ng masama ang biktima.

Agad na nadala sa ospital ang biktima matapos itong masaksak habang sumuko naman sa pulisya ang suspek.

Aminado si Menor sa kaniyang nagawa. Aniya, wala siyang masamang intensiyon at napikon lang.

Sa kabila nito, wala raw balak humingi ng tawad si Menor at handa raw siyang harapin ang reklamong frustrated homicide na ihahain laban sa kaniya. —KBK, GMA News